untitled
viviti


<19>

Nagkaroon muna ng maiksing break bago I-announce yung matatanggap sa band nila.

Malas ko lang eh nung break na yun eh nagstart na pala yung pag-audition kaya ako, tumakbo kaagad sa may auditorium.

“Sino pa ba ang sasali?”
   
“Miss ako po!”

sinigaw ko mula sa entrance tapos nagnod siya sa akin. Whew! Buti nalang.

“Kheira Aruello?”

“Opo.”

Tapos nun eh lalapag ko na sana yung gamit ko sa mga upuan at uupo kaso pinapunta ako sa center ng stage. Hmm…siguro magtatanong ito.

“Anong role?”

“Sa props po..”

Tapos tumawa siya. Yung iba nga rin eh tumawa. Napatingin ako kay Lia tapos parang nagsesenyas siya na ewan. Hindi ko naman maintindihan.

“Hija, hindi ako nakikipaglokohan okay? Anong role sa mga “CHARACTERS” ang gusto mo?”

Ano!?!? Eh, hindi naman ako nag-sign up para sa character ah!

“Pero miss---”

“Nakalagay ang pangalan mo sa listahan ko ng actors. So ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto mo, mag-audition ka para sa isang character and I don’t want to waste my time!”

Grabe, nakakatakot talagang magalit si Miss Caticlan. Parang galit na lion. Wah, pano na ako niyan? Hindi ko naman alam kung anong play to!

May nag-abot sa akin na script. Buti nalang may nakalagay na description dito kung di patay ako.

Hmm…sino kaya ako dito, bahala na.

“ummm…si Kirsten po.”

Tapos tumango lang sa akin yung babae. Huminga ako ng malalim. Okay, goodluck nalang sa akin.

“Bakit Joshua? Bakit ka nagkakaganyan? Bakit mo ko sinasaktan? Ano bang nagawa ko sa iyo?? Anong kasalanan ko sa ‘yo!? Bakit mo ko niloko!?”

Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla kong naramdaman yung mga luha kong tumutulo. Ewan ko, bigla ko nalang naisip yung panaginip ko at bigla nalang rin lumabas yung luha ko. Akala nga siguro ni Miss Caticlan eh part yun ng acting ko.

“Mahusay!! Napakahusay! Everyone, pinapakilala ko sa inyo ang inyong Kristen!”

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Natutuwa ako dahil natanggap ako. Pero hindi mawala sa isipan ko yung panaginip ko.

Ano bang meron at sobrang sakit kapag naiisip ko yun??
























“Grabe bhes! Hindi ko alam na pareho pala tayong may future sa pagarte!”

Lunch na namin ngayon, namiss ko na siguro yung pag-announce kung sino yung magiging vocalist. Ayos lang naman, obvious naman na si Jayla na yun eh.

“Hehe, anong part pala ang nakuha mo?”

“Ako si Olivia. Ang matalik na kaibigan ni Kristen.”

Tignan mo nga naman, kahit sa play eh best friends parin kami.

“Naks, ayaw tayong paghiwalayin ah.”

“Syempre. Alam mo ang weird ni Miss Caticlan kanina. Hindi kasi siya nagpaudition para dun sa leading man. Ewan ko dun. Nakareserve na daw kasi yung pwesto.”

“Hehehe, ganun ba?”

Kumakain kami ni Lia nun nang biglang nakiupo sina Lian at Mark sa tabi namin.

“Hmm, better luck next time.”

Sabi na eh, mananalo si jayla. Tapos nun eh nakipagkwentuhan na kami. Ewan ko, ang galing nga eh. Parang dahil sa accreditation na to eh naging instant friends namin sila ni Lia. Hindi rin naman nagtagal eh sumali narin si Lester sa amin.

Pagkatapos kumain eh free time na naman. Pumunta na ako dun sa theater dahil kelangan daw namin magkaroon ng “get together” sa mga lahat ng kasali sa presentation. Minsan talaga weird si miss.

“Kristen! Halika dito!”

Napatingin naman sa akin yung iba tapos ngumiti. Grabe, kinarir talaga ni miss ang pagiging Kristen ko ah. Lumapit naman ako kaagad tapos umakbay siya sa akin.

“Gusto ko lang malaman mo na yung leading man, which is Joshua, ay hindi muna makakasali sa mga practices. Busy kasi siya. Pero don’t worry, may sarili siyang script at bahala na siyang magpractice mag-isa.”

“Okay po.”

Pagkatapos nun eh nagkaroon na kami ng throwing of lines. Grabe, ang hirap pala pag yung kasama mo dapat eh wala naman. Hay, good luck nalang sa kanya.

Pagkatapos naman ng practice eh pinayagan na kaming umuwi. Hindi na ako dumaan sa locker ko kasi wala parin naman class bukas eh. Diretso uwi nalang ako nun. Wala pa ngang tao sa bahay eh kaya ako, naglinis na muna.

“Aga mo ah..”

“Kuya Kaloy!” Tapos nun eh yumakap ako sa kanya. Tawa naman siya ng tawa. Hala, baka nahahawa na ito kay Kuya Kyle.

“Ilang araw lang naman ako nawala…ito naman oh. Parang 10 taon akong di nakita.”

Tapos nun eh tumawa ako. Tumulong na din si Kuya sa paglilinis para daw mapabilis na. Ako naman eh syempre, natuwa kasi mga 7 palang eh natapos na kami. At noong time na yun, nakauwi narin si kuya Kyle.

Pagkakain namin eh tinapos ko muna yung gawain bago umakyat sa itaas at matulog na.

Habang nakahiga, napaisip ako. Hanggang ngayon eh ayaw parin mawala sa isip ko yung panaginip ko. Nakatulog ako ng mga 9 na siguro.































“May we request Ms. Kheira Aruello to please report to the 2nd floor gym. Ms. Kheira Aruello please proceed to the 2nd floor gym. Thank you.”

Hala, ano na naman kaya ginawa ko?

“Samahan mo naman ako Lia oh.”

Tapos nun eh nagbabye kaming dalawa dun sa kasama namin tapos nagdiretso sa 2nd floor gym. Ano na naman kaya to? Wala naman sinabi si Miss Caticlan na dito yung practice eh. Hay, bahala na.

Pagdating naman namin ni Lia dun eh biglang sumalubong habang tumatakbo si Lian.

“Ang tagal mo naman eh. Tayo na sunod!”

“Huh? Tayo!?!?”

“OO! Bakit?!?”

“Di ba si Jayla yung natanggap?? Kaya nga sabi ni Mark na “Better luck next time.”

Tumawa naman siya nun.

“Hindi naman sinabi sa iyo ni Mark yun eh. Kausap niya sarili niya! Anyway, tara na!”

Tapos si Lia naman eh todo yung ngiti sa akin. Hala! Eh ano na naman yung kakantahin ko ngayon!?!? Anu ba yan!

Lumapit naman ako sa kanila tapos sila Mark eh todo ngiti lang rin. Hay naku, grabe.

“Anu ba yan. Sana sinabi niyo kaagad. Hindi ko tuloy alam kung anong kakantahin.”

“Kaya mo yan, pwede pa naman daw ngayon may kopya eh. Saka 2 songs yung tutugtugin, isa sa iyo, isa sa akin.”

Whoa, kakanta rin si Mark? Ayos to ah.

“Ano kakantahin ko ngayon??”

Tapos binigay nila sa akin yung kopya. Yung kantang “Gusto na kitang Makita” ng session road pala. Pero teka, duet to ah.

Tapos napatingin ako kay Mark. kinindatan niya ako tapos ngumiti. Nginitian ko rin siya tapos tumango. Hay, buti nalang. Parang alam niya yata na hindi pa ako ganoon kaready na magperform sa harap ng marami eh. Buti pala duet.

Gaya ng sabi ni Lian, malapit na talaga kami. Last song na kasi nung isang banda. Nagcomment saglit yung teachers dun tapos ayun, kami na.

“Okay, first song natin yung sa session road tapos yung kay Mark okay?”

“Teka,”

Tapos napatingin sila sa akin lahat.

“Bakit?”

“Anong name ng band?” ngumiti silang tatlo tapos pumunta na sa pwesto.

“Makinig ka.”

Tinaasan ko siya ng kilay tapos nun nagsalita yung parang emcee.

“And now, ang susunod na band ay from the seniors. Matagal na rin silang tumutugtog sa school natin pero magmula nung lumipat yung vocalist nila eh hindi na sila tumugtog. Pero ngayon, heto sila with their new vocalist. Please welcome, Our Sassy Romance!”

Oh my gosh, sila yung OSR?!? Grabe! Sila pala yung band na sobrang gandang ganda ako nung 2nd year ako! Oh my gosh!! Ibig sabihin yung vocalist nila eh si Chuck Oliveros? Yung crush na crush ko dati?? Hala Kheira, ano tong pinasukan mo?!?

Tumingin ako kay Lia tapos nakita kong nakanganga siya. Si Lia din kasi eh fan ng OSR nung 2nd year kami. Malay ba namin na sina Mark at Lian pala eh member nun. Grabe, matagal din kasi silang nawala. Ngayon lang talaga yung comeback nila. Whoa, sana hindi ko sila mapahiya.

“Okay, salamat po. Pakilala lang po kami. On drums po si Lian Gonzales. SA bass naman eh si Gino Guevarra. Lead guitar po, yours truly, Mark Fellacio po. At syempre, ang aming vocalist, si Kheira Aruello. Our first song, “Gusto na kitang makita” by session road.”

Nagsimula na yung pagtugtog nila. Grabe, lalo akong kinabahan. Okay, breathe in…breathe out…game. Kaya mo yan Kheira!



Parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka
Alam kong walang dapat sisihin na ako'y
Nandito at nandiyan ka

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako'y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Pininta mong larawan ko
Ang mga una kong nakikita sa umaga
Pagbangon sa kama siguradong
Ang araw ay may bagong pag-asa


Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako'y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)

Refrain:
Pero dahil malayo ka
Ako'y nalulungkot na

Chorus:
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)
Gusto na kitang makita
(Kita kita sa mata)
Gusto na kitang makasama
(Magsama tayong dalawa)



Pumalakpak naman yung iba. Ako eh hinihingal na pero infairness, sobrang naenjoy ko talaga. Ang lakas pa nga ng tibok ng puso ko eh. Sobrang kaba kasi.

“Maraming salamat po. Our next song is…Alam niyo na siguro…”

Tapos tinapat niya yung mic sa may audience. Kahit na audition pa lang to eh sobrang dami na kaagad ng mga nanonood. Tapos sumigaw naman yung mga tao sa audience.

“STARS!!”

At biglang nagsimula na silang tumugtog.

A picture of you reminds me
How the years have gone so lonely
Why do you have to  leave me
Without saying that you love me

Grabe, ang galing pala talaga nitong si Mark. Sa totoo lang, sobrang ganda ng boses niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang rin siya vocalist nila eh madalas naman talaga na kumakanta rin siya. Hmm, bakit kaya?


I’m saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here

A picture of you reminds me
How the days have gone so empty
Why do you have to leave me
Without saying that you love me

I’m saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same

If only you were here
I’m saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same

If only I had wings
So i can fly
I want to be with you
For all of time
My love for you
Will never die

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same

If only you were here
(If only you were here)

Natapos na yung kanta. Hiyawan lahat ng mga tao dun sa gym. Grabe nga eh. Tapos kami naman, tuwang tuwa talaga. Pagbaba ko nga eh may mga tao na nagsabi na galing ko daw.

Whoa, biruin mo yun? Napagtiyatiyagaan pa pala yung boses ko??
Swerte pala yung bakit pa ni Jessa Zaragosa.

Parang di ko yata kaya..

Yuck…wag nalang. Hahaha.

“Hoy bhes! Grabe ang galing mo talaga! Hindi mo naman sinabi sa akin na magaling ka kumanta. Ikaw ah, nagtatago ka ng galing aH!”

Tinawanan ko naman siya nun. Paalis na kami nung pigilan kami nila Lian.



“Kheira! Ang galing mo kumanta…















Grabe nakaka-inlove.


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com