untitled
viviti
Chapter 45





Napatingin kaagad ako dun sa hawak kong libro. Tae, bakit ba ayaw makisama ng tadhana ngayon?!

“Um, ano…ano kasi, ang totoo kasi niyan…” kinakabahan talaga ako nun. Weird nga eh, yung feeling ko nun eh parang yung mga nararamdaman ko kapag alam kong mapapagalitan ako ng teacher. Hindi pa nakatulong yung seryosong tingin nitong lalaking ito. “ER…ano…hin-hindi naman kasi para sa…ano…sa akin ito eh…oo. Para sa friend ko ito.”

“Sabihin mo sa friend mo matuto siya bumili ng sarili niyang gamit.” tapos nagwalk out na siya. Whew! Ligtas.

Tinawagan ni Kit si manong tapos ilang sandali lang rin eh dumating siya. Hinatid nga namin si Kat, syempre mapilit ako.

Nung pauwi naman eh tahimik lang. walang nagsasalita ni isa kaya pinabukas ko na kay manong yung radyo. Asar nga eh, walang magandang song. Kahit saang station eh masagwa yung pinapatugtog. Kung hindi sobrang hardcore metal rock chuvaness eh super senti naman. Hay.

Click for the song

I wanna tell you baby
You're the one that Im thinking of
But your heart is still with her
And I think she's the one that you love
I only want you happy
Even if it's not with me
Maybe one day
You'll open up your eyes and you'll see


Teka, ito yung kanta ng MYMP ah? “Sige manong diyan nalang muna.”



That I think Im falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think Im falling
Baby Im falling for you

From the first time
You laid your lips on mine
It feels like the smile on my face
Will last till the end of time
But Im not so sure
That you're the one that I should pursue
My mind tells me no
But my heart only says that it's you

Only time will tell
The mystery has yet to unfold
Who's gonna feel love's warmth
And the other left in the cold

Yet still I'm falling
Maybe im falling for you
yeah I think Im falling
Baby I'm falling for you
That I think Im falling
Maybe I'm falling for you
yeah I think Im falling
Baby Im falling for you


Napangiti lang ako pagtapos ng kanta. Teka, natatamaan ba ako?! No, hindi naman siguro..

Nakarating narin naman kami kaagad sa bahay. Diretso ako sa kwarto ko tapos naglock kaagad. Ayaw ko kasi muna makausap si Kit dahil sa totoo lang, sobrang naguguluhan talaga ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung seryoso ba talaga itong nararamdaman ko.

Humiga ako sa kama tapos tumunganga lang. nagulat naman ako bigla kasi may narinig akong may parang sinisingit sa pinto ko. Pagtingin ko, may papel.

Teka, handwriting to ni Kit aH!

Anong problema mo?

Hay Kit, kung alam mo lang. Ikaw ang problema ko.

Hindi ko binalik yung paper kasi wala naman akong masusulat. May pumasok na naman na isang papel, this time medyo mahaba.

Galit ka ba sa akin? Kung oo wag mong ibalik yung papel. Kung hind, ibalik mo. Hindi kita pipilitin kung bakit, basta balik mo lang.

Hindi naman talaga ako galit kaya binalik ko yung paper. May mahinang sound akong narinig sa labas at pagtapos nun eh may papel na naman. Grabe, hindi rin siya nagsasayang no?

Kung hindi ka galit, bakit mo ako iniiwasan? Huhulaan ko yung sagot, ibalik mo kung mali at kung tama naman, wag mo balik okay?

Binalik ko yung paper. Ang weird rin naming dalawa mag-usap no?

Problema sa pamilya?

At ayun, nagstart siyang manghula. Kung anu-ano na nga yung pinagsusulat niya eh. May nakalagay pa dun, kung problemado daw ba ako sa school o kay Sasha. Hay naku, sino kaya nagsabi sa kanya nun?

Tinagal kami sobra kasi puro mali naman mga hula niya. Inabot siguro ng 12 yun (mga 9 kami nakauwi) at hindi parin tumatama yung sagot niya.

Problema sa friends?

Binalik ko na naman. Hay, mahulaan pa kaya niya?

Problema sa akin?

Natigilan naman ako. Gusto kong itago pero…pero…hay. Kumuha ako ng ballpen tapos may sinulat sa likod ng papel at binalik. Narinig ko naman siyang nagsalita, something like ‘I give up’ yata yun. Sunod ko nalang narinig eh sumarado na yung pinto niya.

Alam kong hindi niya binasa yung sinulat ko dahil ang akala niya eh hindi ako magrereply sa sinusulat niya dun. Mas okay narin siguro yun.

Binuksan ko yung pinto tapos kinuha yung papel. Hindi pa ako ready na aminin eh. Masyado pang mahirap para sa akin.

Tinignan ko yung sinulat kong ‘oo’ dun sa likod at napabuntong hininga.


*****



Sunday. Birthday daw ng mom ni Kat. Inimbita nga niya kami ni Kit eh at ayun, napapunta naman kami. Sumama naman yung parents ni Kit. Close pala kasi yung family nila sa isa’t isa. Yung parents ko naman, busy, may inaasikaso daw kasi. Hay, miss ko na sila.

Engrande yung party nila. Dun kasi sila sa may tagaytay tapos yung rest house nila dun eh parang hotel. Kumpleto talaga, may swimming pool, gym, lahat. Ang yaman pala talaga nila.

“UY! Buti naman at nakarating na kayo.”

Yumakap siya tapos nagkiss naman dun sa parents ni Kit. Wow, close talaga sila no. Umalis naman na ako nun at naglibot. Haha, feel at home? Hindi naman masyado.

Nahiya ako kasi ang daming tao kaya humanap nalang ako ng place kung saan wala mayadong nakatambay. Dun naman ako napunta sa may swimming pool.

Infareness ang laki talaga. Umaabot yata ng 10 feet yun or more? Ewan, basta malaki siya. Nakakatakot siguro magswim dito, lalo na kapag nasa malalim ka na.

Umupo naman ako dun sa gilid tapos binasa ko yung paa ko. Hay, buti pa dito peaceful.

“Bakit andito ka?” sabi ko nga peaceful eh diba? Ayaw talaga makisama ng fate.

“Wala. Ayoko dun eh, maraming tao tapos hindi ko pa kilala.”

Ginaya naman niya yung ginawa ko kanina at nilublob rin yung paa niya sa tubig. Ang awkward sobra ng katahimikan. Feeling ko nga eh mabibingi ako sobra. Argh.

“Saan si KaT?” hindi ko na talaga kasi matake yung katahimikan. Nakakabingi.

“Kausap sina mom.” grabe, hindi rin siya matipid sa mga sinasabi niya no?

Silence.

“Kumain ka na?”

“Hindi pa.”

Silence again.

Oh gosh, feeling ko mamamatay ako sa sobrang walang nagsasalita sa aming dalawa eh. Ay naku. “Argh! Bakit ba walang nagsasalita sa atin? ”

Mukhang nagulat pa nga si Kit dun sa outburst ko kaya napatingin bigla sa akin. “Nagkakailangan?”

“Hay, naman. Say anything. Kahit ano, basta wag lang yung matatahimik na naman tayo.” natawa lang siya nun.

“Pwede mo naman i-turn down yung in-offer ni Kat eh kung ayaw mo talagang pumunta. Kesa naman yung sa nandito ka tapos wala ka ng ginawa kung di magwish na sana tapos na yung party.”

AW, sapul ako dun ah. “Nahihiya ako kay Kat eh...”

“Maiintindihan ka naman nun kung i-eexplain mo.”

Huminga lang ako ng malalim tapos humiga. Take note, nakababad parin paa ko. Panigurado kulu kulubot na ito pag inangat ko.

Maliwanag pa nun kaya napapikit naman ako. Ang sarap naman dito, feeling ko any moment makakatulog na ako eh.

*SPLASH!*

Bigla naman akong napatayo. Walang hiyang Kit yan! Tinignan ko siya ng masama tapos yung mukha niya eh painosente pa.

“Hindi ko sinasadya. Honest, yung tsinelas ko dumulas eh.”

“Yeah right...” tumayo na ako nun tapos lumapit sa kanya. Siya naman eh nagbackwards.

“Hindi ko nga sinasadya eh.”

“Sure”

Pagtapos nun eh tinulak ko siya tapos tinalikuran ko. Hmf, akala niya ako lang mababasa? Siya rin nu!

Aalis na sana asko nun kaso napansin ko, bakit hindi pa siya umaahon? Wag mong sabihin may balak siyang magswimming?!

Hinarap ko ulit siya tapos nagulat kasi lumulutang lang yung katawan niya. Gosh! Anong nangyari sa kanya?!

Tumakbo kaagad ako palapit tapos sumulong. Hinila ko siya papuntang gilid. Grabe, sobrang panic talaga ako dahil hindi ko alam gagawin ko. Ano bang nangyari?!

Ginawa ko yung CPR sa kanya, wala nga lang kasamang mouth-to-mouth resuscitation. Ilang sandali rin eh nagcough siya ng tubig.

Grabe, sobrang tuwa ko nung mangyari yun at niyakap ko siya ng mahigpit. “Andy..”

“I’m sorry.” umiiyak na ako nun. Ramdam ko yung mga mainit na luha kahit na medyo malamig nun dahil nga basa kami. Grabe, hagulgol talaga kung hagulgol.

“Wag kang magsorry..”

“No! kasalanan ko. I shouldn’t have done that. Sorry talaga Kit.” hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

Yumakap rin naman siya sa akin at nagstay lang kami ng ganun for a while. Nung kumalas kami eh walang nagsalita sa amin. Pumasok lang kami at nagpaalam na. nagtaka nga yung ibang bisita eh, bakit raw kami ng swimming ng walang attire. Sabi namin, nagbasaan lang.

Hindi namin nakasabay yung parents ni Kit na umuwi. Ibang way rin naman sila kaya okay lang na magpalate sila dun. Kami naman kasi yung may pasok eh.

Habang pauwi tahimik lang kaming dalawa. Sobrang naguilty talaga ako sa ginawa ko at hindi ko talaga siya malimutan. Pero somehow, dahil sa incident na iyon eh may narealize ako.

Tumingin ako kay Kit tapos huminga ng malalim.

I think…I might actually…


..love him

Chapter 46




“I really think so,” ilang days rin ang nakalipas. 1 week to be exact since the incident at ngayon ko lang nasabi sa mga kaibigan ko ang realization ko.

Tapos narin yung exams namin at salamat sa Diyos at nakaraos naman ako. Feeling ko naman na papasa ako kasi may mga parts naman dun na sure talaga akong mapeperfect ko. Parts lang ah, hindi whole exam.

Ngayong Monday at Tuesday naman eh walang pasok kasi nagpreprepare yung school para sa 3 day Christmas festival namin. Gusto kasi nila na surprise na nila yun sa mga students kaya teachers and staff lang ang nag-ayos.

“Sigurado ka na ba diyan Andy?”

Tumango lang ako. I’m sure. Hindi naman kasi ako ganoon magrereact kung friend lang ang turing ko sa kanya. There must’ve been something more. At ayun nga, nakuha ko rin siya.

“Just take care of yourself Andy.” nagsmile naman ako sa kanila at nag group hug kami. Grabe, namiss ko yung mga ganito. Feeling ko kasi ang tagal na naming hindi nagkakaroon ng parang open forum kung saan lahat ng feelings mo ilalabas mo. Ibig sabihin, no secrets talaga. Kung may sama ka ng loob, sabihin mo.

“So, ibig sabihin ba nun eh titigil ka na sa pagmamatch make mo?

“Why would I?” pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba ayokong tumigil. May part parin sa akin na gustong makatuluyan ni Kit si Kat.

“Ano ka ba Andy, eh di parang niloko mo ang sarili mo kung gusto mo na siya tapos nilalapit mo parin sa ibang girl”

“Hindi yan.” I hope.

Nag-ikot ikot pa kami nun. Asa mall kasi kami eh. Wala lang, tambay lang. pastarbucks starbucks lang at syempre, christmas shopping narin kahit slight lang.

Nabilhan ko naman na kaagad yung family ko ng gift. Yung para sa friends ko siguro eh kapag mag-isa nalang ako. Ayoko ngang makita nila yung bibigay ko sa kanila.

Nagbowling pa kami pagtapos ng konting pamimili. Ang saya nga eh, yung natalo eh nanlibre ng ice cream. Muntik na nga ako matalo eh, buti nalang may mas bano pa sa akin. Wahaha joke! Basta ayun, partners kasi kami pagdating sa gutterball eh.

“Better luck next time nalang talaga Marla.”

Pagtapos namin dun eh nagkayayaan ng umuwi. Si Vince kasi may dala ng transpo kasi siya naman yung may pinakalast na house na madadaanan kaya ayun. Hinatid narin niya kami. Mga 7 siguro nung makauwi ako. Hay, sabi nga nila, time flies when you’re having fun.

Naligo lang ako nun tapos natulog na. kekelanganin ko kasi ng energy para bukas eh. For sure paguran na naman bukas.


*****



“Dali Andy! Mauubusan tayo ng ticket!”

Ang pagsabi na kakaiba yung pinresent ng teachers sa amin is an understatement. SOBRANG KAKAIBA talaga. Isipin niyo nalang, nagmukhang theme park yung school namin, minus the rides. Yung pool nga namin eh, parang dinesign nila na parang “lovers’ tunnel”, how they managed to do that? I have no freaking idea.

“Wait lang! sina Cheeky ba meron na?.”

“Yeah, kanina pa. Tayo nalang hinihintay!”

Excited nga naman. Paano, nagtayo sila ng parang fun house dun na kakaiba daw sabi ng iba. Siguro parang tulad nung Alice in Wonderland nina Kit at yung haunted house. In short, magkahalo siya.

Pagpasok namin eh napangiti kaagad ako. Design palang astig na. Sobrang realistic kasi eh. Alam niyo yung mga haunted mansion type? Well parang ganun yung design dito.

“Andy wag kang lalayo, baka ka mawala.” binatukan ko naman siya.

“Ano ako? 5 years old?!?” tumuloy na kami ulit nun. Grabe, ang cucute talaga ng mga designs.

Napunta kami dun sa part na maraming tao. Ay, kaya naman pala eh. Andito pala yung mga pagkain. hay, no wonder crowded dito.

“Vince kain muna tayo?” pero paglingon ko eh wala na si Vince. Hala naman. Tama bang mang-iwan?!

Lumakad nalang ako nun. Dumaan sa may sandwitch stand tapos naglakad na ulit. Napunta nga ako sa weird na room eh. Paano, puro kung anu-anong pananakot. Infareness yung dugo mukhang realistic. Hahaha.

Sumunod naman na room eh yung parang cute and cuddly room. Paborito ko nay un simula ngayon. Paano, yung room eh punung puno ng bears at parang pilows. Saya siguro matulog dun.

*ALERT SOUND*

Hala, ano kaya yun?!

Bigla namang may nagsalita sa intercom tapos sinabi na kelangan daw naming umalis. Ano kaya nangyari?

May mga ibang tao naman na nagkulitan pa. meron naman mga nagpanic. Hay naku, kakasabi lang kanina na don’t panic eh. Asus.

*Bam!*

Ouch! Loko yung taong yun ah! Palibhasa kasi naghaharutan eh! Aray, ku naman. Ang sakit ng pwet ko. Tatayo na sana ako nun ng biglang may nakita akong kamay sa harapan ko. Pagtingala ko…

“Kit?”

“Ang lampa mo naman” tinago ko yung mukha ko kasi medyo nagblush pa ako nun. Hay nako, asar naman.

“Ang yabang mo!” at ayun, tumayo na ako. Sabay naman kaming naglakad papunta dun sa may exit. Si Kit nauna kaya siya na bahala magbukas ng pinto. Nagulat nga ako nung tinitigan lang niya eh. “A little hint Kit, baka gusto mong hawakan yung knob at i-turn?”

“It’s locked.” nanlaki yung mata ko at agad akong pumunta dun. Tinwist ko yung knob, schocks, locked nga! Oh my gosh!

“Waaa! Paano na tayo niyan!? Huhuh, gusto ko pa mabuhay!”

“Wag ka nga magpanic. Wala naman naitutulong yan eh.” napalean ako sa wall. Hay, kelan pa kaya kami makakalabas nito?


*****



“Kit.” walang galaw. Ano ba ito, tulog? Tama bang tulugan ako?! “Kit.” ay sus naman oh! “Kit!”

“ANO?!” meron siguro siya ngayon.

“Ano pwedeng gawin? Bored na ako eh.” tumingin lang siya sa akin na para bang nahihibang na ako.

“Matulog ka.” at ayun. Yumuko ulit siya. Hay, mag iisang oras narin siguro kaming stuck dito at feeling ko eh mamamatay na ako sa sobrang kaboringan. Wala talagang magawa tapos itong si Kit pa eh hindi naman masalita.

Tumayo ako nun. Hay, mag-eexplore na nga lang ako kung ayaw niya kong kausapin.

Lumakad naman ako at pumasok dun sa isang pintuan. Madilim dun kaya kinuha ko naman yung phone ko para may ilaw. Hay, sayang naman at naputol yung activity na ito, maganda sanang i-explore siya. Ano nga kaya nangyari?

Lumakad pa ako nun. Tinatakot ko pa nga sarili ko eh, wala lang, for fun lang. iniisip ko, paano kaya kung biglang may kamay na humawak sa shoul----

“EEEEEEK!!!” shocks!!! San galing yang kamay na iyan!? Waa! Bata pa ako! Ayoko pa mamatay!

“Kung aalis ka, magsabi ka. Hindi yung basta basta kang tatayo at papasok sa kung saan saan.” napatingin ako kay Kit. Teka nga, bakit sobrang lapit niya? Umusog naman ako ng konti. Pasalamat ako at madilim kung di makikita na niya na namumula ako. Hay, ito na nga ba ang ayaw ko eh.

“Wag ka naman manggulat.”

“Hindi ako nangguguglat. Kanina pa kita sinusundan no.”

Kanina pa? eh di nakita niya yung mga pagtawa tawa ko mag-isa? Naku po, baka isipin nito nababaliw na ako.

Lumakad na kami nun at nag-explore narin. Marami rami rin kaming kwarto na napuntahan pero hindi nga lang ganoon ka enjoy kasi hindi mo masyado makita yung nasa paligid mo.

“Hay, sana naman i-continue na nila ulit ito.” tumingin ako kay Kit, ayun wala parin siyang reaction. Hay, ano ba kelangan kong gawin para magsalita naman ito? Kung ganyan lang rin siya eh di sana nagdala nalang ako ng stick, at least yun pwede ko pang ipang pukpok.

10 minutes..

“Anong oras kaya nila bubuksan ito?”

“Ewan.”

20 minutes..

“Nagugutom ka na ba?”

“Oo.”

30 minutes..

“Hay, sana buksan na nila ito..”

“...”

Grabe! Nakakainis na itong kasama ah! 30 minutes na ang lumilipas at ang mga sinasabi pa lang niya eh “oo” at “ewan”. Ang nice niya ah!

Dala na rin ng inis ko eh binilisan ko yung lakad ko. Wala akong pakielam na kung tinatawag niya ako. Nakakaasar kasi eh. Bwisit na---

“AHHHHH~!!!” wahh!!

*BAM!*

Ouch…ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Bakit umiikot yung paligid ko? Bakit…bakit…bakit ako nahihilo?

“ANDY!”

Si…si Kit yun ah…bakit parang…dalawa yata siya? Huh? Ano bang nangyayari? Bakit niya ako niyuyugyog?

“Hihingi ako ng tulong. Kahit anong mangyari, promise mo sa akin wag kang matutulog okay?”

“Kit anong…?”

Kit…bakit nawawala ka na?

“Andy..Andy! ANDY PLEASE!”

Napapikit nalang ako bigla and then the next thing I know…

I blacked out.


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com